
Nagbigay ng kaunting teaser ang Love Before Sunrise stars na sina Andrea Torres at Dennis Trillo tungkol sa mga dapat pang abangan ng manonood sa kanilang romance-drama na serye. Ayon sa aktres, nagsisimula pa lang ang kaguluhan sa buhay ng mga karakter nila.
“Ngayon, nakikita ninyo, medyo hindi matuloy-tuloy 'yung kasal ni Stella [Bea Alonzo] at ni Atom [Dennis], laging may dumarating na problema, na issue,” pagbabahagi ni Andrea sa interview nila sa GMA Regional TV morning show na GMA Regional TV: Live!.
Dagdag pa ng aktres, “Nandiyaan na rin 'yung character ni Sid [Lucero] na nakikita natin na parang naa-attract din sa character ni Bea, and of course, 'yung character ko naman, si Czarina, talagang naka-focus ako na makuha si Atom.”
Ibinahagi rin ni Andrea na kaabang-abang ang eksena ng pagkikita nilang apat at excited na sila sa magiging reaksyon ng mga manonood dito.
“Kapag nakita nila (manonood) 'yung mga eksenang medyo may confrontation na kasi kami, kami ang gumagawa pero nase-stress kami,” pagbabahagi nito.
BALIKAN ANG UNANG PAGKIKITA NG MGA AKTOR SA SCRIPT READING NILA SA GALLERY NA ITO:
Dahil dalawa nag leading ladies niya sa serye, tinanong si Dennis kung sino nga ba kina Stella at Czarina ang makakakuha sa puso ng karakter niyang si Atom. Ang sagot ng aktor, “'Yun ang kailangan nilang abangan.”
“Matindi 'yung kumpetensya talaga, lalo na sobrang bagsik ni Czarina, tapos si Stella naman parang kawawa,” pagbabahagi ni Dennis.
Dagdag pa ng aktor, “Dito niyo makikita 'yung dynamics lalo na 'pag nag-meet na 'yung four na main characters at makikita niyo 'yung mga confrontation. 'Yun ang dapat nilang abangan.”
Panoorin ang buong interview nila Dennis at Andrea dito: