
Sa panayam ni Arnold Clavio kay Andrea Torres para sa programa nitong 'Tonight With Arnold Clavio' nagkaroon ng rebelasyon ang aktres tukoy hindig nila pagkakaunawaan ng dating love team na si Mikael Daez.
Kuwento ni Andrea, "Si Mikael kasi first ko, ang dami naming pinagdaanan together. Ang memorable siguro ay 'yung nag-away kami. Siguro mga 80 percent ng Sana Ay Ikaw Na Nga, magkagalit talaga kami. As in hindi kami magkasundo."
Si Mikael ang unang pinareha kay Andrea para sa programang 'Sana Ay Ikaw Na Nga' na umere noong 2012.
Dagdag ni Andrea: "Nagkatampuhan kami as a love team. Basta may tampuhan kaming ganon."
Sa huli ay nagkasundo din si Andrea at si Mikael. "Super close naman kami ngayon. Isa siya sa mga closest ko na guy friends."
Panoorin ang buong interview dito: