
Sina Andrea Torres at Rafael Rosell ang bibida sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Sa episode na pinamagatang "Ang Babae sa Larawan," gaganap sila bilang mga taong pinaglapit ng tadhana.
Si Andrea ay si Jhing na breadwinner ng kanyang pamilya. Dahil baon sa utang ang kanyang pamilya at lumalala pa ang kondisyon ng kanyang ama, papasok siya sa Italy sa ilegal na paraan.
Gaganap naman si Rafael bilang Archie, Pilipinong nakatira sa Italy matapos mag-migrate dito ang kanyang pamilya noong bata pa lang siya.
Makikilala ni Jhing si Archie nang tulungan siya nitong makalusot sa pulis na naghahanap ng working permit niya.
Paano kung malaman nilang hindi pala ito ang unang pagkikita nila?
Maraming taon na kasi ang nakakalipas, madalas silang gumanap bilang little bride and groom sa mga kasal sa Tagaytay.
At nakapagtago pa si Archie ng isang picture nila mula dito.
Magiging sapat ba ang tila itinadhana nilang reunion kumpara sa lahat ng pagsubok na haharapin nila?
Abangan ang brand-new episode na "Ang Babae sa Larawan," April 11, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.