GMA Logo Andrea Torres
What's on TV

Andrea Torres, bibida sa isang shocking 'Magpakailanman' episode

By Marah Ruiz
Published November 20, 2025 10:20 AM PHT
Updated November 20, 2025 10:21 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Hornets stay hot with 2nd-half surge past Timberwolves
Easter travel surge fills Dagupan bus terminals
Farm To Table: April 5, 2026 LIVESTREAM

Article Inside Page


Showbiz News

Andrea Torres


Bibigyang-buhay ang isang maselan at nakakagulat na kuwento sa 'Magpakailaman.'

Isang natatanging pagganap mula kay Andrea Torres ang matutunghayan sa bagong episode ng Magpakailanman.

Sa episode na pinamagatang "My Forbidden Love," gaganap siya bilang Elaine na magkakaroon ng nakakagimbal na karanasan sa pag-ibig.

Noong bata pa si Elaine, inabandona siya ng kanyang ina na lulong sa droga.

Ipapamigay siya nito sa isang drug lord na mamaltratuhin at gagawin pang drug runner si Elaine.


Makakakuha ng lakas si Elaine na magsimula muli nang makilala niya si Randy, karakter na gagampanan ni Dion Ignacio.

Magpapakalayo ang dalawa at magsisimula ng sarili nilang pamilya.

Pero nang mamatay ang estranged mother ni Elaine, lalabas ang isang malaking lihim--magkapatid sa ama sina Elaine at Randy!

Ano ang mangyayari sa masaya nilang pamilya?

Abangan ang brand-new episode na "My Forbidden Love," November 23, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.