GMA Logo Andrea Torres in Tadhana
What's on TV

Andrea Torres, bibida sa 'Tadhana: My Love is Not For Sale'

By Bianca Geli
Published March 13, 2026 12:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Office of the Ombudsman press conference (Mar. 13, 2026) | GMA Integrated News
Umento sa Pletehan, Gipanawagan sa mga Tricycle Driver sa Lapu-Lapu City | Balitang Bisdak
Farm To Table: Food adventure with Chef JR Royol and Susan Enriquez

Article Inside Page


Showbiz News

Andrea Torres in Tadhana


Isang dalagang handang isakripisyo ang sariling pag-ibig para mailigtas ang kanyang ina ang tampok sa bagong kuwento ng "Tadhana: My Love is Not For Sale".

Isang matinding pagsubok sa pag-ibig ang tampok sa susunod na episode ng Tadhana na pinangungunahan ng Marian Rivera.

Sa kwentong pinamagatang Tadhana: My Love Is Not For Sale, makikilala sina Pipay (Andrea Torres) at Chad (Jeric Gonzales), isang magkasintahang tila patungo na sana sa masayang kinabukasan. Ngunit sa halip na tanggapin ang alok na kasal ni Chad, isang masakit na “no” ang isasagot ni Pipay, na ikagugulat at ikalulungkot ng binata.

Lingid sa kaalaman ni Chad, ginawa ito ni Pipay dahil sa matinding pangangailangan ng kanyang ina na sumailalim sa operasyon. Nangako kasi ang ina ni Chad na sasagutin ang gastusin sa operasyon na makapagliligtas sa buhay ng ina ni Pipay, ngunit may kapalit ito: ang pakikipaghiwalay ni Pipay sa kanyang anak.

Sa kabila ng sakit, pipiliin ni Pipay na isakripisyo ang sarili niyang kaligayahan para sa kanyang ina. Ngunit paano kung ang tadhana na mismo ang gumawa ng paraan upang muling magtagpo ang kanilang mga landas?

Abangan ang Tadhana: My Love Is Not for Sale ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA Network, at mapapanood din sa livestream ng GMA Public Affairs sa Facebook at YouTube.