
Maikli man ang kanyang naging cameo sa Sang'gre, masaya at satisfied si Kapuso actress Andrea Torres sa pagkakataon na napabilang sa mundo ng Encantadia.
Sa Sang'gre, mapang-akit ang special role na ginampanan ni Andrea kung saan nakilala siya bilang Ayeshka, isang dama (tagasilbi) sa Lireo na ginaya ni Mitena (Rhian Ramos) ang anyo para makalapit at malinlang si Zaur (Gabby Eigenmann).
Sa interview kay Aubrey Carampel para sa 24 Oras, ipinarating ni Andrea ang saya na muling mapasabak sa fantasy at action.
"Super happy ako kasi na-miss ko 'yung fight scene. Na-miss ko rin naman magpa-sexy somehow. Gumawa na rin ako ng soap na fantasy and action, it's nice to do that again," sabi ni Andrea.
Ayon kay Andrea, bago sumabak sa taping ay pinag-aralan muna niya ang sayaw na ginawa ng kanyang karakter na si Ayeshka para kay Zaur. Ipinasilip din niya ang ilang clips kung paano inaral ang sexy dance steps.
Na-overwhelm din si Andrea sa positive comments na natatanggap mula sa Sang'gre viewers.
"Ang ingay ng IG (Instagram) ko. Nakita ko rin 'yung mga comments nila sa YouTube. Super kilig ako, syempre, 'yun naman ang gusto natin everytime na may ginagawa tayo, ma-appreciate ng tao, ma-entertain sila. Na-achieve naman natin 'yon."
Bukod sa Sang'gre, napapanood din si Andrea Torres sa hit GMA Afternoon Prime series na Akusada.
Panoorin ang buong interview ni Andrea Torres sa 24 Oras sa video na ito:
SAMANTALA, TINGNAN ANG IBA'T IBANG KARAKTER NA NAGAMPANAN NI ANDREA TORRES SA GALLERY NA ITO: