Celebrity Life

Andrea Torres, excited sa kanyang first fantaserye

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 20, 2020 11:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - House representatives file resolution to investigate death of former DPWH Usec. Cabral (Dec. 22) | GMA Integrated News
Drunk man drowns at Digos beach
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Huling napanood sa TV series na 'With A Smile' si Kapuso actress Andrea Torres. Pagkalipas ng halos isang taon, magbabalik muli si Andrea sa drama via 'Ang Lihim ni Annasandra'.
By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY AL KENDRICK NOGUERA, GMANetwork.com

Huling napanood sa TV series na With A Smile si Kapuso actress Andrea Torres. Nakasama niya sina Christian Bautista at Mikael Daez sa light drama morning show na ipinalabas last year.

Pagkalipas ng halos isang taon, magbabalik muli si Andrea sa soap. Nag-focus muna kasi ang aktres sa Bubble Gang at Sunday All Stars habang hinihintay ang kanyang next drama project.

Kaya’t nang malaman ni Andrea na siya ang napili ng Network na bumida sa Ang Lihim ni Annasandra, pinaghalong saya at excitement ang kanyang naramdaman. Lalo pa raw siyang natuwa nang malaman niyang may halong fantasy ang nasabing soap.

“Happy and very excited kasi first time kong gumawa ng fantaserye so lahat ng mga ma-e-experience ko ngayon, bago talaga sa 'kin,” pahayag ni Andrea.

Bukod pa rito, wish granted daw na maituturing ang Afternoon Prime soap ani Andrea. “Parang na-overwhelm ako kasi dream role siya eh. I always wanted to have a title role na medyo sexy na puwede sa bata at puwede rin sa teenager at matatanda,” anang aktres.

Dagdag pa niya, “So parang ang sarap ng pakiramdam na naghintay ka pero noong ibinigay sa 'yo, parang lahat ng mga hiniling mo and more pa, naroon na sa project.”

Hindi raw nag-hesitate si Andrea sa project na ito kahit may pagka daring at sexy. “So kahit na parang feeling ko [ay] wala pa sa plano ko na magpa-sexy, ni-ready ko na 'yung sarili ko kasi sabi ko, itong konseptong 'to dapat talaga [ay] hindi pinapakawalan kasi napakaganda,” saad niya.

Tuklasin Ang Lihim ni Annasandra, malapit nang ipalabas sa GMA Afternoon Prime.