
Hindi na naitago ni Andrea Torres ang nag-uumapaw na sayang naramdaman nang makitang ikinakasal na ang kanyang kapatid na si Angeli Eloise Torres Paulino.
Sa Instagram, ibinahagi ni Andrea ang mga larawang kuha mula sa kasal ni Angeli. Sa isang larawan, makikitang naging emosyonal si Andrea habang pinagmamasdan ang kanyang kapatid sa altar.
"October 15 will now be as memorable to me as it is to you. I still can't get over that moment when the doors of the church opened. I keep replaying it in my head," sulat ni Andrea.
"You were the most beautiful bride. I thank the Lord that he granted you the perfect wedding and more than that, the perfect partner. You know how much I love you and Kuya Rem. Congratulations again [Angeli Eloise] and [Rem Paulino]!" dagdag niya.
Noong Pebrero, ibinhagi rin ni Andrea ang saya nang ma-engage na ang kanyang kapatid na si Angeli kay Rem.
Samantala, patuloy na mapapanood si Andrea sa Legal Wives, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng 24 Oras.
Tignan ang quarantine glow up ni Andrea Torres sa gallery na ito: