What's on TV

Andrea Torres, gustong makapangasawa ng foreigner?

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 9, 2017 3:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Princess Aaliyah to Fred Moser: 'Kung sinabi kong friends lang muna?'
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Gaganap si Andrea Torres bilang si Iska, ang tourist guide sa Maynila na may simpleng pangarap na fairytale - magkaroon ng anak na blonde ang buhok, mestiza at may blue na mga mata.

Gaganap si Andrea Torres bilang si Iska, ang tourist guide sa Maynila na may simpleng pangarap na fairytale. Ang gusto lang naman niya ay magkaroon ng anak na blonde ang buhok, mestiza at may blue na mga mata. In short, gusto niyang makapangasawa ng foreigner.

Mukhang madali naman para kay Iska na makasungkit ng foreigner dahil sa kanyang trabaho. Sa katunayan, marami na siyang naging boyfriend na foreigner. Ang problema lang, ang iba ay hindi seryoso sa pakikipagrelasyon, habang ang iba naman ay may asawa na pala.

Darating ang isang araw at makikilala ni Iska si Brad, ang Amerikanong backpacker, at sasamahan niya ito sa tour. Sasakay sila sa kalesa ni Ino (Mike Tan).

Aalukin ni Brad na maging girlfriend si Iska. Maloloka naman ang dalaga nang pangakuan siya nito ng kasal pagbalik nito dito sa Pilipinas. Syempre, tatanggapin ni Iska ang proposal! 

Ngunit habang wala si Brad, mapapalapit sina Iska at Ino sa isa’t isa. Malaki kasi ang naitulong ni Ino sa pamilya ni Iska. Susubukan ni Iska na labanan ang nararamdaman niya, habang ilang beses namang naudlot si Ino sa pag-amin sa kanya.

Sino ang pipiliin ni Iska, at paano na ang pangarap niya? Tutok na ngayong Linggo, March 12, sa nangungunang comedy anthology sa bansa, ang Dear Uge!