What's on TV

Andrea Torres, hindi pa handang umibig matapos ang break-up kay Derek Ramsay

By Cherry Sun
Published March 29, 2021 5:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

andrea torres on TBATS


Hindi raw nakaramdam ng selos, pero may panghihinayang. Alamin ang buong pag-amin ni Andrea Torres tungkol sa kanyang failed relationship sa 'The Boobay and Tekla Show.'

Aminado si Andrea Torres na hindi pa siya handang pumasok sa bagong relationship.

Ito ang kanyang inamin sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) nitong Linggo, March 28.

Andrea Torres

Buong tapang na hinarap ni Andrea ang controversial questions ng fun-tastic duo sa "May Pa-PressCon" segment ng TBATS.

Karamihan sa tinanong sa sexy Kapuso star ay kaugnay sa kanyang naudlot na relasyon sa Kapuso hunk na si Derek Ramsay.

Nang tanungin kung nakaramdam siya ng kaunting selos dahil sa bagong relasyon ng kanyang dating nobyo, mabilis na sinagot ito ni Andrea ng “wala.”

Gayunpaman, inamin niyang mayroon siyang panghihinayang.

“Meron, sa oras na nawala sa atin noong COVID-19 [pandemic], 'di ba, 'yung mga planong hindi natuloy. Ang dami kaya.

"Ako, ang dami kong mga, 'yung parang noong start pa naman ng 2020, dineclare mo na talaga na 'This is it! Ito 'yung mga gagawin ko.'”

Kinumusta rin nina Boobay at Tekla si Andrea tungkol sa mga nagpaparamdam at nais manligaw sa kanya ngayong single ulit ang aktres.

Kabilang dito ang paghingi ng kanyang reaksyon tungkol sa pahayag ni Sef Cadayona tungkol sa kanilang relasyon.

Paglinaw din ni Andrea, hindi raw siya ang tipo na nakikipagbalikan sa kanyang dating nobyo.

“All out kasi ako, e. All out ako sa relasyon so 'pag dumating sa point na kumalas na, alam ko sa sarili ko na nasagad ko na. So okay na.”

Nang usisain naman kung ready na siyang umibig muli, inamin ni Andrea na kahit naka-move on na siya ay hindi niya priority ang kanyang love life ngayon.

“Ako hindi pa. Usually kasi 'pag ganito, binibigyan ko talaga ng time 'yung sarili ko para maging mag-isa. Para kapagkadumating 'yung next, all out ulit.”

Panoorin ang kanyang buong rebelasyon sa video sa itaas.

Matapos intrigahin, napasabak naman sa aktingan ang Kapuso actress kasama ang fun-tastic duo at The Mema Squad na kinabibilangan nina Miss Universe Manila 2020 Alexandra Abdon, Pepita Curtis, Ian Red, at Skelly Clarkson.

Humarap sa kakaibang challenge si Andrea sa bagong segment na 'Ang Arte Mo' kung saan kailangan niya bigkasin ang katagang “Nangangamoy tilapia” sa kanyang nabunot na emosyon.

Samantala, parang may namumuong bagong love team sa TBATS, ang #TekLex! Kikiligin ka rin ba kina Tekla at Alex?

Tuloy-tuloy rin ang pamimigay ng payo ng fun-tastic duo sa 'Dear Boobay and Tekla.' Ano kaya ang kanilang words of wisdom para sa isang letter sender na gustong maging Darna?

Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na sa telebisyon tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Silipin kung bakit nangunguna sina Boobay at Tekla sa komedya sa gallery na ito: