GMA Logo Andrea Torres and brother Kenneth
Photo: andreaetorres (Instagram)
Celebrity Life

Andrea Torres, itinuturing na lucky charm ang kapatid na may Down syndrome

By Aaron Brennt Eusebio
Published June 25, 2025 5:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Saksi Express: December 23, 2025 [HD]
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Andrea Torres and brother Kenneth


Kuwento ni Andrea, tuwing kaarawan ni Kenneth ay may natutupad sa kanyang mga pangarap.

Para sa aktres na si Andrea Torres, maituturing niyang lucky charm ang kapatid niyang si Kenneth na na-diagnose na may Down syndrome with mild autism.

Kuwento ni Andrea Torres sa panayam ni Nelson Canlas sa GMA Integrated News na ipinalabas sa 24 Oras, lagi siyang nakakatanggap ng magandang balita tuwing kaarawan ni Kenneth.

"Alam namin na binigay siya sa amin kasi siguro capable kami na magmahal nang ganun kalaki. Iba 'yung tanggal ng pagod once ngitian ka, once i-hug ka," saad ni Andrea. "Every birthday niya, July 27, may big thing na nangyayari sa akin, [pangarap] na natutupad. [He's my] lucky charm."

Dagdag ni Andrea, nakaugalian niyang magkuwento ng mga bagay-bagay kay Kenneth. Hindi man nakakasagot ay alam ni Andrea na naiintindihan ni Kenneth ang kanyang mga sinasabi.

Naging emosyonal rin si Andrea nang balikan niya ang naging karera niya sa showbiz na pinapangarap niya simula noong six years old pa lamang siya.

"Dumarating ka sa point sa life mo na, siyempre nagre-reflect ka kung na-reach mo na ba 'yung goals mo, may time pa ba, nasa tamang landas ba ako?" pahayag ni Andrea.

"Masyado na bang malaki 'yung dream ko na umaasa ako masyadong maabot ko 'to or kailangan ba maging realistic ka, mag-step back ka?

"Ever since six years old ako, walang nag-drive sa buhay ko kung hindi gusto ko mag-artista. Grateful naman ako na kahit prof 'yung dad ko, hinayaan niya ako kahit kailangan ko mag-stop saglit.

"Alam niyang 'yun talaga 'yung gusto ko."

Pagtatapos ni Andrea, na-realize niya kamakailan lang na malayo na ang kanyang narating kahit malayo pa ang kanyang mga pangarap.

"Na-realize ko 'to recently, nagbago na rin 'yung mindset ko, siyempre you have to help yourself, 'di ba? Na-realize ko na minsan nakakalimutan mo na, 'Oo, marami ka pang gustong gawin pero marami ka na ring nagawa na nakakalimutan mong bigyan ng credit 'yung sarili mo na na-achieve mo 'yun.'

"Minsan kasi iniisip ko, 'Bakit sa akin, ang hirap? Bakit hindi ako nagkakaroon ng moments na parang ayan binigay lang sa 'yo.' Siguro mas dapat kong isipin na at least, lahat ng meron ako, na-earn ko 'yun, nilaban ko 'yun.

"At nakatulong sa akin 'yun ngayon kasi iba 'yung appreciation mo sa work mo."

Panoorin ang buong panayam ni Nelson kay Andrea:

Bibida si Andrea sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Akusada kung saan gagampanan niya si Carol, isang tahong farmer na nadikit sa krimeng hindi niya naman ginawa.

Abangan ang world premiere ng Akusada sa Lunes, June 30, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.