
Walang masamang tinapay para sa Kapuso actress na si Andrea Torres ang maging kaibigan ang kaniyang mga naging ex-boyfriend.
Sa Fast Talk with Boy Abunda, sinabi ni Andrea sa TV host na si Boy Abunda na nireresperto niya ang pinagsamahan nila ng kaniyang mga dating partner.
Aniya, “Hindi naman ako naniniwala Tito Boy na dahil hindi kayo nag-work, kailangan magkagalit na kayo, kasi my times sa buhay niyo na prinotektahan n'yo 'yung isa't isa, minahal n'yo 'yung isa't isa pati mga family n'yo.”
Dagdag pa niya, “Kahit may cheating Tito Boy, hindi ako gagawa ng bagay na ikasisira ng ex ko.”
Dahil dito, tinanong ni Boy si Andrea kung friends na ba siya ngayon sa kaniyang ex-partners.
Sagot naman ni Andrea, “Hindi pa po lahat.”
Kaugnay nito, kinumusta rin ni Boy si Andrea tungkol sa relasyon nila ngayon ng aktor at kaniyang dating nobyo na si Sef Cadayona, na co-star niya sa upcoming series na Love Before Sunrise.
Kuwento ni Andrea, “Actually Tito Boy wala po kaming masyadong eksena dito parang dalawa pa lang yata. Pero in Bubble Gang [before] mas naka-work ko siya doon regularly.”
Ayon kay Andrea, wala silang ilangan ni Sef at maayos ang samahan nila ngayon.
Aniya, “Sobrang normal lang kami Tito Boy. Minsan nga parang iba na lang 'yung gumagawa ng issue pero kami parang, 'Ay parang wala namang anything.' Wala kaming ilangan.”
Nang tanungin naman ni Boy ang aktres kung "in a relationship" ba siya ngayon, ito ang kaniyang naging sagot, “No, Tito Boy. Single.”
Para kay Andrea, darating din ang tamang panahon para sa kaniyang love life at hindi niya ito kailangan pang hanapin.
“Naniniwala ako Tito Boy na may season talaga for that e, hindi mo siya kailangan hanapin,” ani Andrea.
Dagdag pa ng aktres, “Maybe pagpunta ko sa isang grocery, nandoon siya. Hindi ko siya kailangan pag-effort-an talaga.”
Patuloy na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
BALIKAN NAMAN ANG MGA NAGING LEADING MAN NI ANDREA TORRES SA KANIYANG MGA NAGING TELESERYE SA GALLERY NA ITO: