
Bibigyang-buhay ni Andrea Torres si Virginia, ang babaeng lapitin ng mga lalaking meron ng asawa sa kuwentuwaan sa Dear Uge ngayong Linggo, July 16.
Sawa na magmahal si Virginia. Nalaman kasi niyang halos lahat ng naging boyfriend niya ay ginawa lamang siyang kabit nila. Dahil ayaw na niya sa tinatakbo ng love life niya ay susukuan na ito ni Virginia.
Pero, tila may isa pa siyang chance nang makilala niya si Emman. Magkukrus ang kanilang landas nang pigilan ni Virginia ang guwapong lalaki sa kanyang binabalak na magpakamatay. Dahil sa ipinakitang kabutihan ay mapapaibig sa kanya si Emman.
Mukha namang walang sabit si Emman kaya muli nitong napaniwala sa pag-ibig si Virginia. Ngunit kung kailan nahulog na si Virginia ay malalaman niyang may asawa na rin pala si Emman.
Forever kabit na lang kaya ang beauty niya? Abangan ang sagot sa tanong na ‘yan sa nag-iisang comedy anthology sa bansa, ang Dear Uge ngayong Linggo, July 16, pagkatapos ng Sunday PinaSaya!