
Tiyak na magiging masaya ang FUNanghalian ng madlang people dahil makikisaya ang isang Kapuso star sa It's Showtime.
Ngayong Martes (August 15), mapapanood ang Kapuso actress na si Andrea Torres sa hit noontime show. Ito ay opisyal na inanunsyo ng It's Showtime sa kanilang social media accounts.
“Hello, Madlang People! Mabuhay! G nang makisaya this Tuesday ang ating Kapuso guest star! Abangan si Andrea Torres sa It's Showtime!” sulat sa kanilang Instagram post.
Bukod kay Andrea, iba't ibang Sparkle at Kapuso celebrities ang napanood na sa nasabing programa tulad nina Julie Anne San Jose, Bianca Umali, Sanya Lopez, Ken Chan, Jasmine Curtis-Smith, Mark Bautista, at marami pang iba pa.
RELATED CONTENT: Barbie Forteza, Sanya Lopez, Rayver Cruz, at iba pang Kapuso stars na napanood sa 'It's Showtime' sa GTV
Abangan si Andrea mamaya sa It's Showtime, 12 noon, sa GTV. Mapapanood din ang naturang programa tuwing Sabado sa oras na 11:30 a.m.
Subaybayan din ang iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!
Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.