GMA Logo Andrea Torres and Kylie Padilla
What's Hot

Andrea Torres, masaya sa primetime comeback ng kaibigang si Kylie Padilla

By Marah Ruiz
Published June 6, 2022 7:45 PM PHT
Updated June 8, 2022 11:48 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - PCO press briefing (Feb. 11, 2026) | GMA Integrated News
Supreme Court rules that same-sex couples can own property
LGUs post ‘anti-epal’ compliance on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Andrea Torres and Kylie Padilla


May napansin din daw si Andrea Torres sa aura ng kaibigang si Kylie Padilla. Alamin kung ano ito.

Masaya raw si Sparkle star Andrea Torres sa pagbabalik sa primetime ng kaniyang kaibigan at kapwa Kapuso actress na si Kylie Padilla.

Naging close ang dalawang aktres matapos magtambal sa LGBTQIA+-themed series na BetCin kung saan gumanap sila bilang lesbian couple.

Kasalukuyan kasing bumidida si Kylie sa sport-themed GMA Telebabad series na Bolera kung saan gumanap siya bilang isang billiard genius.

"Lagi ko nga 'yan mine-meessage sa Instagram. Sabi ko sa kaniya, proud na proud ako sa kaniya," pahayag ni Andrea sa isang ekslusibong panayam ng GMANetwork.com.

Bukod dito, may napansin din daw siyang pagbabago sa kaibigan.

"Happy ako for Kylie! Ang gaang gaang ng aura niya. Everything is going well sa buhay niya and deserve niya 'yun," lahad ni Andrea.

Samantala, nakatakda namang magkaroon ng isang special live performance si Andrea para sa mga Kapuso sa Japan.

Sa June 12, mapapanood siya sa live presentation ng GMA Pinoy TV sa Philippine Expo 2020 na gaganapin sa Ueno Onshi Park sa Tokyo, Japan.

"Talagang ginawa ng GMA lahat para siksik, lalong lalo na kasi ang dami nating sine-celebate sa buwan na 'to--Independence Day, Rizal Day. Talagang 'yung mga Pinoy, gusto namin 'yung maramdaman talaga nila 'yung pagkakaisa, kaya nga 'Stronger Together,'" pahayag ni Andrea.

Mas lalo pa daw siyang naging excited dahil mismong Independence Day nakatakda ang kaniyang performance.

"Talagang nagpa-record ako ng mga bagong songs. Lahat ng magpapasaya sa mga Kapuso natin doon, gagawin ko," lahad ng aktres.

Katatapos lang ni Andrea ng filming ng kanyang international movie na Pasional. Nasa post production stage na rin ang pelikula.

Kamakailan, nagsimala na ring mapanood ang pinagbidahan niyang cultural drama series na Legal Wives sa streaming giant na Netflix.

Samantala, balikan ang kilig moments sa pagitan nina Andrea at Kylie sa gallery na ito: