What's on TV

Andrea Torres, may daring scenes sa 'Love Before Sunrise'

By Marah Ruiz
Published October 1, 2023 9:00 AM PHT
Updated October 1, 2023 4:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos scrutinizing ratified 2026 budget —Palace
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

andrea torres on love before sunrise


Dapat abangan ang daring scenes si Andrea Torres sa 'Love Before Sunrise.'

Agad na pumayag si Kapuso actress Andrea Torres para sa kontrabida role bagong romance drama series na Love Before Sunrise.

Malaking bahagi dito ang co-star niyang si multi-awarded actress and box office icon Bea Alonzo na gustung gusto niyang makatrabaho.

Gumaganap si Andrea sa Love Before Sunrise bilang Czarina, ang babaeng magpapahirap sa karakter ni Bea na si Stella.

"Si Czarina ang typical na spoiled brat. Nabigay talaga sa kanya lahat so sanay siya na nakukuha niya ang lahat ng gusto niya nang mabilis. Kaya everytime na may challenge na pumupunta sa buhay niya, talagang hndi niya titigilan 'yun kasi nga gusto niya, lahat ng mga nasa isip niya, lahat ng mga pinlano niya, matupad," pahayag ni Andrea sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Bukod sa mga sampalan at maaanghang sa salita sa pagitan ng mga karakter nila ni Bea, maasahan din ang ilang daring scenes mula kay Andrea.

Isa na riyan ang unti-unti niyang pang-aakit kay Atom, ang karakter ni Kapuso Drama King Dennis Trillo. Magkakaroon pa sila ng isang matinding eksena sa kitchen ng restaurant na pagmamay-ari ni Czarina.

Ang Love Before Sunrise ay kuwento ng dalawang taong paghihiwalayin ng magkakaibang sirkumstansiya ng kanilang mga buhay.

Sa muli nilang pagkikita matapos ang maraming taon, babalikan nila ang mga "what if" ng naudlot nilang relasyon.

Ang Love Before Sunrise ay collaboration sa pagitan ng GMA Entertainment Group at Viu, ang leading pan-regional over-the-top (OTT) video streaming service.

Tunghayan ang Love Before Sunrise, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, Pinoy Hits at I Heart Movies. May same-day replay rin ito sa GTV, 10:50 p.m. Stream on Viu anytime, anywhere.