What's on TV

Andrea Torres, may mensahe para sa bashers niya sa social media

By Gia Allana Soriano
Published July 9, 2017 1:00 PM PHT
Updated August 4, 2017 5:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 16, 2025
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi pinag-uukulan ng pansin ng sexy Kapuso star ang negative comments na nakukuha niya, sa halip, mas naka-focus si Andrea sa self-improvement, at syempre sa pagpapaseksi para sa role niyang si Venus sa book 2 ng 'Alyas Robin Hood.'

Marami ang natuwa sa pagbabalik ni Andrea Torres sa upcoming second installment ng Alyas Robin Hood, pinagbibidahan syempre ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes. Ngunit, sa kabila ng maraming positive comments, hindi rin naman maiiwasan na minsan ay magkakaroon ng bashers ang aktres. Ang solusyon niya dito: "Deadma na lang talaga."

 

A post shared by Andrea Torres (@andreaetorres) on

 

Paliwanag niya, "I think 'yun 'yung best. Hayaan mo na lang na sila 'yung nasa negative. Ikaw lagi ka lang positive, lagi ka lang happy. Basta kilala mo lang 'yung sarili mo."

Sa ngayon naman ay mas naka-focus si Andrea sa self-improvement, at syempre sa pagpapaseksi para sa role niyang si Venus.

Ika niya, "Noong natapos yung book one, ang first kong ginawa ay nag-enroll ako sa Muay Thai and boxing. So, talagang andun pa rin 'yung focus ko na talagang babalik siya. So, kailangan pagbalik ni Venus, mag-level up lahat."

 

Gising kayo maaga bukas at sabayan niyo ko magworkout. Hihihi. Pinoy MD, 6am. #MuayThai

A post shared by Andrea Torres (@andreaetorres) on

Panoorin ang buong report ni Nelson Canlas sa 24 Oras dito:

Video from GMA News