
Isa sa pinakamalaki at pinaka importanteng Kapuso project ang upcoming series na Legal Wives.
Ito ang kaunaunahang cultural drama na maglalahad ng buhay at pag-ibig ng mga Mranaw.
Kaya naman puspusan ang pag-aaral ng mga lead stars nitong sina Kapuso Drama King Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali tungkol sa tradisyon at kultura ng mga Muslim.
Bukod sa kanila, siniguro rin ng produkson na tama ang costumes at look ng cast.
"Napaka importante kasi noong look ng character para maniwala sila doon sa character 'di ba?" pahayag ni Dennis.
"Kapag hindi ka masyadong nag-effort doon sa look mo, kapag isang plain lang na Dennis Trillo tapos parang 'yun lang 'yung mapapanood nila na dinamitan mo lang ng ibang costume, parang kulang 'yung ganoon," dagdag pa ng aktor.
Layunin ng Legal Wives na bubuksan ang isipan ng mga manonood tungkol sa naiibang kultura ng mga Muslim, partikular ang pagkakaroon ng mahigit isang asawa.
Para kay Dennis, isa sa pinaka challenging roles niya ang karakter ni Ismael.
"Grabe 'yung stress na dinala sa kanya noong sitwasyon na 'yun (having three wives). Bumilib din ako noong binabasa ko 'yung script, doon sa character, kung papano niya nakayanan at nalagpasan 'yung mga pagsubok na pinagdaanan niya," bahagi ni Dennis.
Dahil dito, hanga sa kanya ang co-star na si Andrea Torres na gaganap bilang Diane, ang pangalawang asawa ni Ismael at ang tanging Kristiyano sa mga ito.
Dream come true rin para kay Andrea na makatrabaho si Dennis.
"'Pag binibigkas niya 'yung mga salita nila, parang sanay na sanay siyang sabihin. Hindi mo makikitang nagsa-struggle siyang sabihin. Nasasabi niya 'yung mga linya niyang walang take two. Parang normal na normal lang talaga," papuri ni Andrea kay Dennis.
Samantala, madalas din ka-eksena ni Andrea si Alice Dixson. Nakabuo sila ng pagkakaibigan sa set dahil sa dami ng eksena nila.
"Lagi ko ngang sinasabi sa kanya 'to, 'Ang ganda ganda ng mata mo, parang nangungusap talaga.' Off cam, very ano siya, napaka masayahin. Ang dali ko rin nag-warm up sa kanya, lalung-lalo na 'yung mga eksena namin siyempre nag-aaway kami. At least nawala na 'yung ganoong kaba," lahad ni Andrea.
Panoorin ang buong ulat ng 24 Oras sa video sa itaas. Kung hindi naglo-load nang maayos, maaaring panoorin dito.
Samantala, silipin ang magandang location ng set ng Legal Wives dito: