Article Inside Page
Showbiz News
Paano kaya niya napapayag ito?
By AL KENDRICK NOGUERA
Sa ganda ng kinalabasan ng cover ni Kapuso actress Andrea Torres sa December issue ng FHM, hindi halatang nagkaroon siya ng hesitations na gawin ito.
Ayon sa
Ang Lihim ni Annasandra star, hindi naging madali sa kanya ang desisyong ito. Ilang beses niya rin kasing ni-reject ang previous offers ng FHM bago siya pumayag.
“Actually I was waiting for the right time lang talaga. Gusto ko lang ma-feel na confident ako, na kaya ko na talaga siyang gawin nang buong-buo,” pahayag ni Andrea.
Ano’ng hesitation ni Andrea bakit nahirapan siyang pumayag mag-pose sa magazine cover? “Kasi change image siya at the same time iisipin mo 'yung family mo, 'yung mga tao sa paligid mo kung okay lang ba sa kanila at 'yung fans kung ready na ba sila," sagot ng aktres.
Pero ayon kay Andrea, pinakamahirap daw i-convince ang kanyang ama. Saad niya, “Siya kasi 'yung number one talaga na medyo hindi comfortable roon sa idea na mag-post ako sa FHM.”
Buti na lamang daw ay pinayagan na rin siya sa huli. “The thing with my parents naman, kapag kinausap mo sila, hindi ka naman nila papahirapan as long as ma-explain mo 'yung side mo nang klarong-klaro,” anang Ang Lihim ni Annasandra star.
Bukod sa suporta ng kanyang pamilya, hindi raw nawala ang love team niyang si Mikael Daez sa kanyang tabi bago at matapos siyang mag-pose sa FHM. Ayon nga kay Andrea,
sinu-zoom in daw ng aktor ang cover noong unang beses niya ito makita.
Antabayan ang GMANetwork.com exclusive interview kay Andrea soon on GMANetwork.com.