
Nakaramdam nga ba ng selos si Andrea Torres ngayong may iba nang mahal ang kanyang ex? Isa lang 'yan sa mga intrigang kanyang sasagutin sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) ngayong Linggo, March 28.
Naka-move on na nga ba si Andrea? Ano ang reaksyon niya nang malamang may bago nang love life ang ex niya? Nakaramdam ba siya ng selos? Ilan lang 'yan sa controversial questions nina Boobay at Tekla para kay Andrea sa pagsalang ng Kapuso actress sa "May Pa-PressCon."
Maliban sa kanyang past relationship, hindi rin makakaiwas si Andrea sa pagsagot tungkol sa muling panliligaw ni Sef Cadayona at ng isa pang male celebrity na nagpakita ng interes ngayong single na ulit siya.
Matapos ma-hot seat, si Andrea rin ang sasalang sa "Roleta ng Kadramahan" kung saan magpapakitang-gilas siya sa kanyang pag-arte at husay sa improvisational comedy. Makakasama niya rin dito ang The Mema Squad na kinabibilangan nina Miss Manila 2020 Alexandra Abdon, Pepita Curtis, Ian Red, at Skelly Clarkson.
Ang fun-tastic duo at The Mema Squad din ang maglalaro sa segment na "Sipsipan Na" kung saan ang parusa sa losing team ay pag-inom ng isang mystery drink.
Tuloy-tuloy ang laugh trip kahit may krisis! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, March 28, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!
Silipin kung bakit nangunguna sina Boobay at Tekla sa komedya sa gallery na ito: