Article Inside Page
Showbiz News
Kung mayroon man daw dahilan si Andrea Torres sa pagtanggap ng sexy projects tulad ng guest role niya sa 'Pari 'Koy,' ito ay ayaw niyang makahon sa sweet image.
By MICHELLE CALIGAN
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
Kung mayroon man daw dahilan si Andrea Torres sa pagtanggap ng sexy projects tulad ng guest role niya sa
Pari 'Koy, ito ay ayaw niyang makahon sa sweet image.
READ: Andrea Torres joins Pari 'Koy
"Parang feeling ko 'yung paggawa ko ng sexy projects on the side, parang different side of me lang. Pero ang pinaka-reason ko is, ayokong makahon na puro ako pa-sweet, ganyan. So same lang din dito, ayoko naman na puro sexy lang," kuwento ni Andrea nang dalawin siya ng GMANetwork.com sa taping ng
Pari 'Koy.
Aniya, tatanggap pa rin siya ng roles na dati niyang ginagampanan.
"Tatanggap pa rin ako ng roles na ginagawa ko before, pero at least mas open na. Feeling ko hindi naman magagawa or mao-offer 'yung role kung hindi ko nagawa 'yung FHM, mga ganyan. At least mas marami akong puwedeng roles na gagampanan."
READ: From sweet and innocent to sexy and daring
The
Bubble Shaker will be playing the role of an escort in the upcoming episodes of the primetime faithserye. Paano niya kaya pinaghandaan ito?
"Maraming lakas ng loob (laughs). First ko kasi gumawa ng role na hindi sobrang bait, 'yun talagang may bad side siya. Naninibago ako pero maganda ang experience. So far, nae-enjoy ko. Magaan naman. Naka-eksena ko na sina Tito Spanky at si Kuya Dong."
Pagpatuloy niya, "Sobrang bait nila, so parang hindi ka na rin kakabahan. Nasa isip mo lang 'yung kaba pero kapag nakita mo na sila, nakausap mo na, okay na."