
Mataas ang respeto at paghanga ng showbiz reporter/host na si Lolit Solis sa pag-handle ni Kapuso actress Andrea Torres sa pagtatapos ng relasyon niya kay Kapuso actor Derek Ramsay.
Saad ni Lolit sa isang Instagram post, "Not for anything pero hanga ako sa pagiging quiet ni Andrea Torres sa issue nila ni Derek Ramsay. Basta ayun, hindi nag work out iyon relasyon, move on. Trabaho lang siya, no comment, wala lang."
Dagdag nito, "Ganyan dapat lahat ng nagbi-break up, hindi kailangan magbigay ng statement, hindi kailangan mag explain. Maintain lang ang respeto, hindi lang sa sarili kundi maging sa naka relasyon. You shared happy moments together, iyon lang memories na iyon tama na. Hindi nag work out, sorry. Pero iginalang mo iyon mga araw na pinagsamahan nyo.
"Salute Andrea Torres, talagang tama ang stand mo, no talk, no alibis. Buhay mo iyan, ikaw lang dapat masunod. Iyon happiness mo, matatagpuan mo rin, dahil nakita ng tao kung paano mo ginalang ang sarili mo, at ang ka-relasyon. Go on with your life, Fighting !! #classiclolita #takeitperminutemeganun
Nag-comment naman si Andrea sa post at nagpasalamat sa kanyang tinuturing na nanay sa showbiz. Aniya, "Salamat po Nay."
Lolit Solis' Instagram comment
Inamin nina Andrea at Derek ang kanilang relasyon noong September 2019. Inamin ng dalawa ang kanilang paghihiwalay noong November 2020.
Balikan ang naging timeline ng relasyon nina Andrea at Derek dito:
Samantala, narito ang ilang travel photos nina Andrea at Derek:
Related content:
Derek Ramsay confirms breakup with Andrea Torres
Derek Ramsay hopes he can still be friends with ex-girlfriend Andrea Torres