
Marami pa ring ipinagpapasalamat si Legal Wives star Andrea Torres sa kabila ng mga trahedya at sakunang sinapit ng bansa at mga Pilipino, gayundin ang mga personal na pagsubok na hinarap niya ngayong 2020.
Bukod sa trabaho at negosyo, tutok din si Andrea sa pag-aalaga at paglalaan ng oras sa kanyang pamilya, lalo na ngayong Kapaskuhan.
Source: andreaetorres (IG)
“Sa amin po talagang gusto naming mag-focus sa bonding ng family and parang ang sarap lang talagang magpasalamat ngayong taon...safe kami, magkakasama kaming pamilya,” aniya nang makapanayam ni Nelson Canlas sa 24 Oras.
Hindi na pinag-usapan sa interview ang tungkol sa hiwalayan nila ni Kapuso hunk Derek Ramsay ngunit kinumusta pa rin siya ni Nelson.
Sagot ng aktres, “I'm okay po. Kakauwi ko lang po from lock-in and I'm very happy sa naging experience ko dun. Talagang ang daming bagay na dapat ko ipagpasalamat.
“At least po mag-e-end 'yung year nang may trabaho ako at mag-i-start 'yung year na mayroon din akong paglalaanan ng atensyon. Ito naman talaga 'yung love na love ko talaga.”
Kapansin-pansin din na blooming at mukhang stress-free si Andrea.
Matatandaang naging usap-usapan ang hiwalayan nina Andrea at Derek noong November nang mapansin ng netizens na in-unfollow nila ang isa't isa sa social media.
Ilang araw matapos maglabasan ang balita tungkol sa isyu ay kinumpirma ng aktor na break na nga sila.
“Please don't point the finger at anyone. There is nothing wrong with Andrea. She is a great woman. There is no third party! The breakup happened so fast,” pagtatanggol ni Derek sa komento ng isang Instagram user na isinisi kay Andrea ang hiwalayan.
Noong November 22, naglabas ng opisyal na pahayag si Andrea tungkol dito ngunit pinili nitong gawing pribado ang dahilan ng kanilang breakup.
“Yes, Derek and I are no longer together. I'd rather keep the details private as I want to give the breakup the same amount of respect that I had for the relationship.
“I think you all know how much it meant to me. I hope you understand. I will always wish him and his family well,” aniya.
Tingnan ang timeline ng relasyon nina Derek Ramsay at Andrea Torres sa gallery na ito:
Samantala, si Andrea ay bahagi ng cast ng upcoming Kapuso drama na Legal Wives at katatapos lamang ng lock-in taping para rito.
Isa siya sa mga leading ladies ni Kapuso Drama King Dennis Trillo sa serye kasama sina Alice Dixson at Bianca Umali.
Kabilang din sa cast ang mga premyadong aktres na sian Cherie Gi at Irma Adlawan, Shayne Sava, Adbul Raman, Bernard Palanca, Kevin Santos, Maricar De Mesa, at Juan Rodrigo.
Ang Legal Wives ay tungkol sa istorya ni Ishmael (Dennis), isang Muslim mula sa lahi ng mga Maranaw na mapapangasawa ang tatlong babae, sina Amirah (Alice), Diane (Andrea), at Farrah (Bianca).