
Nagbabalik-teleserye muli si Andrea Torres () sa kanyang upcoming GMA medical drama series na Code Gray.
Sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras noong Martes, April 23, masayang ibinahagi ng Kapuso actress na mini reunion para sa kanya ang serye kasama ang kanyang dating leading men na sina Asia's Multimedia Star Alden Richards at Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista.
“Actually, ito 'yung parang reunion namin ni Alden and ni Christian na pareho kung naging leading men before,” pahayag ng aktres.
Ibinahagi rin ni Andrea ang kanyang excitement na makatrabaho ang iba pang cast na ngayon niya lamang makakasama sa isang serye.
“Meron ding mga new faces na ngayon ko lang makakatrabaho sa soap,” aniya.
Nagkasama noon sina Andrea at Alden sa My Beloved noong 2012, habang nakatrabaho naman niya si Christian sa With a Smile noong 2013.
Ipinakilala ang star-studded cast ng serye sa nagdaang story conference noong Martes, April 21.
Kabilang din sa cast sina Christopher de Leon, Romnick Sarmenta, Faith Da Silva, Shuvee Etrata, Allen Ansay, Joross Gamboa, Christian Bautista, Kristoffer Martin, at Jon Lucas.
Abangan ang Code Gray ngayong 2026 sa GMA!
Panoorin ang buong panayam dito:
Samantala, tingnan dito ang iba't ibang roles ni Andrea Torres: