
Tampok sina Andrea Torres, Shamaine Buencamino at Mike Tan sa pilot episode ng Stories for the Soul mamayang gabi, October 29, ng 11:35 P.M.
Gaganap si Andrea bilang si Linda, ang nabyudang manugang ni Gloria na gagampanan naman ni Shamaine. Kahit yumao na ang taong nag-uugnay sa kanilang dalawa, nagdesisyong sumama si Linda sa kanyang biyenan na tangi niyang naging pamilya.
Nang makilala ni Linda si Ramon, karakter na bibigyang-buhay ni Mike, ay magpaparaya si Gloria. Ngunit pipiliin kaya ni Linda ang pag-asang makapagsimula muli sa piling ng ikalawang pag-ibig kung ang kapalit nito ay ang paghihiwalay nilang magbiyenan?
Tutok na mamayang 11:35 P.M. sa programang Stories for the Soul sa pangunguna ni Manny Pacquiao.