
Kitang kita sa performance ng Sparkle drama actress na si Andrea Torres na wala pa rin ito kupas sa pagpapatawa nang muling mapanood sa Bubble Gang.
Matatandaan na ilang taon din naging Kababol si Andrea at naging parte pa ng girl group na Bubble Shaker.
Bago matapos ang episode ng award-winning gag show kagabi, August 27, tinaong ng award-winning comedian na si Michael V. ang kanilang former Kababol. “Ano, na-miss mo mag-Bubble [Gang]?”
Agada na tumugon s iAndrea at sinabing “Sobra! Uy, ilang taon din ako nag-Bubble Gang. Ang sarap-sarap makabalik dito para maging guest. At saka ang ganda-ganda ng set.”
May kulit hirit din ang versatile Kapuso actor na si Paolo Contis sa kanilang former co-star.
“Actually, meron pang isang nami-miss si Andrea sa Bubble, kaso wala na rin siya dito,” sabi ni Paolo.
Sagot ni Andrea, “Oy! Hindi ko siya nami-miss. Kasi kasama ko siya sa Love Before Sunrise, abangan n'yo, malapit na yan!”
Tanong uli ng aktor, “Nakakapag-usap kayo doon?”
“Oo naman,” tugon ni Andrea.
May pabirong hirit uli si Pao, “Buti ka pa kinakausap, kami hindi kinausap. Nalaman na lang namin kay Tito Boy [Abunda]. We miss you, brother!"
“Mag-guest ka naman dito 'pag nakita mo na 'yung sarili mo.”
JAW-DROPPING PHOTOS OF ANDREA TORRES:
Napuno ng tawanan ang cast ng Bubble Gang sa naging banter nina Paolo at Andrea. Tila ang tinutukoy ni Paolo ang naging panayam noon ng former Kababol na si Sef Cadayona nang mag-guest ito sa Fast Talk with Boy Abunda.
Balikan ang buong interview ni Sef last July with the King of Talk kung saan sinagot niya ang pag-alis niya sa Bubble Gang: