GMA Logo ashtine olviga and andres muhlach
Courtesy: Viva Films
What's Hot

Andres Muhlach at Ashtine Olviga, posible bang mahulog sa isa't isa?

By Nherz Almo
Published September 1, 2025 4:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada moves over sea east of Catanduanes as Signal No. 2 raised in 5 areas
Rabiya Mateo shares mental health diagnosis
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills

Article Inside Page


Showbiz News

ashtine olviga and andres muhlach


Dahil sa love team nina ni Andres Muhlach, naniniwala na raw si Ashtine Olviga sa destiny.

From online to big screen na ang tambalan nina Andres Muhlach at Ashtine Olviga dahil sila ang bibiga sa romance movie na Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna.

Sa press conference ng pelikula noong nakaraang linggo, natanong si Ashtine tungkol sa kanyang matagal na paghihintay bago mabigyan ng breakthrough projects.

Nagsimulang pumasok si Ashtine nang sumali siya sa isang singing competition noong 2016. Kasundo nila ay gumanap na siya sa ilang supporting roles sa mga pelikula. Naging bahagi din siya ng P-pop groups na UGG noong 2017 at P-pop Generation noong 2019.

Inabot ng siyam na taon bago nakuha ni Ashtine ang biggest showbiz break niya, ang Mutya ng Section E, kung saan nabuo ang love team nil ani Andres Muhlach.

Sa kabila ng matagal na paghihintay, hindi naman daw nakaramdam ng pagkainip ang 26-year-old actress.

Sa halip, aniya, “Siguro dumating ako sa point na in-accept ko na parang if hindi ito yung para sa akin, willing akong i-give up siya or willing akong mag-take ng ibang career. Yun po yung seven months akong walang work and dumating po ang Mutya ng Section E.”

Dahil daw sa pangyayaring ito, nag-iba ang pananaw niya sa destiny, na hindi niya pinaniniwalaan dati.

“Pero parang ngayon opo kasi kung iisipin ko yung mga nangyari, parang naa-amaze talaga ako, 'Wow, ang galing,' na nandito kami ngayon. Wala talaga akong ine-expect na kahit ano, pero ngayon na kasama ko siya [Andres], parang opo,” lahad ng dalagang aktres.

Para naman kay Andres, naniniwala siya sa destiny dahil, aniya, “I think that if certain things in life are meant for you talaga, they're meant for you and bound to happen. Of course, without expectations. We shouldn't expect things. You know, if it doesn't happen, you get sad.

“Ako naman, I truly believe na if it's meant for you, it's meant for you. Parang ganito 'yan, if it's meant for you and it's given by God, it comes easily, right? Kasi minsan kapag pinipilit mo at hindi meant para sa 'yo, mas nahihirapan ka. I really believe that things happen for a reason and destiny is a big factor in that it's what God can give to you. If He gives it to you naman, you just have to learn to accept it and go with it.”

At dahil napag-usapan na ang destiny, tinanong na rin sina Andrea at Ashtine kung posible bang maging totoohanan na ang kanilang pagiging magka-love team.

Sagot ni Andres, “Kung possible, anything is possible. Wala, hindi ko na masabi.”

Sumang-ayon naman dito si Ashine, “Same answer po. Hindi po natin masasabi, e. Tingnan po natin.”

Sa ngayon, masaya ang dalawa sa nabuo nilang relasyon bilang magka-love team at sa fan base na patuloy na sumusuporta sa kanila.

Sabi ni Ashtine, “Sobrang grateful po ako kasi, tulad ng sabi ninyo iba-ibang edad ang sumusuporta sa amin. Minsan, hindi ako makapaniwala na may mga batang lalapit sa amin, minsan teenagers, minsan tito, tita. Minsan iniisip ko bakit kaya nila kami minamahal ng ganito, bakit kaya nila kami tanggap nang buong-buo.”

Para naman kay Andres, “The support talaga has been unreal. Hindi namin in-expect 'to talaga kahit from the start, hindi namin in-expect talaga.”

Mapapanood sina Andres at Ashtine sa pelikulang Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna, na mapapanood sa mga sinehan nationwide simula September 24.

Related gallery: The unexpected love story of Charlene Gonzalez and Aga Muhlach