GMA Logo Andres Muhlach enters showbiz
Source: aagupy (IG)
What's on TV

Andres Muhlach, inaming bata pa lang ay gusto nang pumasok ng showbiz

By Kristian Eric Javier
Published February 5, 2026 1:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

One dead as ship in Bahrain port struck by ‘unknown projectiles’
Over 10,000 student-athletes compete in inaugural NIR meet
South Korea's Super Matcha is opening first PH branch at this Ortigas mall

Article Inside Page


Showbiz News

Andres Muhlach enters showbiz


Pangarap nga ba, o impluwensya lang ang pagpasok nina Andres Muhlach sa showbiz?

Maaaring ngayon lang pumasok sa show business ang mga anak nina Aga at Charlene Muhlach na sina Andres at Atasha, ngunit pag-amin ng aktor, bata pa lang ay iyon na talaga ang gusto niyang gawin.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, inamin ni Andres na hindi naman siya pinilit ng mga magulang na sina Aga at Charlene Muhlach na pumasok sa show business. Sa halip, bata pa lang ay pangarap na niyang maging parte nito.

“Feeling ko from a very young age, I really wanted to (join showbiz). Parang may ganu'n po talaga sa utak ko,” sabi ni Andres.

Sabi ng aktor, maaaring naimpluwensyahan din siya ng pagsundo niya sa kaniyang ina sa dating talk show kasama si King of Talk Boy Abunda, o sa mga set ng projects ng ama.

“Parang we were exposed to it and then may mga commercials din so parang naging interested din ako through time,” sabi ni Andres.

Ngunit pag-amin ng aktor, noong una ay in denial pa siya dahil hindi niya alam kung talaga bang gusto niyang maging aktor, o naimpluwensyahan lang siya ng kaniyang kapaligiran dahil sa kaniyang mga magulang.

KILALANIN ANG CELEBRITY KIDS NOON NA PARTE NA RIN NG SHOWBIZ INDUSTRY NGAYON SA GALLERY NA ITO:

Aminado rin si Andres na hindi siya basta nagpapadala sa pressure ng pagiging anak ng dalawang beteranong aktor.

“Before we go to pressure, para sa akin, before, Aga Muhlach was the actor, before, Charlene Gonzales-Muhlach was who they were talaga, they were just my Mom and Dad, they're my parents, and the way I see it, is like the pressure of the surname, I'm sure there is that, but I try not to look at it like that. And I just wanna do good work talaga,” sabi ni Andres.

Alam din ni Andres na marami pa siyang kailangan matutunan sa industriya. Ngunit sa ngayon, masaya at ine-enjoy lang niya ang proseso ng pagiging aktor.

Panoorin ang panayam kay Andres Muhlach dito: