
Isa sina Andres at Atasha Muhlach sa iilang pares ng kambal na parte ng showbiz industry. Sinasabi na sa mga twins, mayroon kakaibang koneksyon ang isa't isa dahil sa kanilang sitwasyon.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, ibinahagi ni Andres kung gaano katotoo ang binansagan ng mga tao na “twin thing” sa pagitan nila ni Atasha.
“Ako feeling ko, may twin telepathy kami talaga. Feeling ko it's a real thing, especially kami ni Tash since we're so close,” sabi ng aktor.
Pagbabahagi pa ni Andres, may mga pagkakataon na nasa isang event sila at magkalayo, kapag nagkatinginan sila ay naiintindihan nila ni Atasha ang isa't isa.
“I don't know how to explain it, but really, sometimes we just look at each other and we're like 'Gets,'” sabi ni Andres.
Bukod sa kanilang “twin thing,” aminado din si Andres na itinuturing niyang matalik na kaibigan ang kakambal. Sa katunayan, sabi pa ng aktor ay si Atasha talaga ang nilalapitan niya tuwing may mga pagsubok siyang pinagdadaanan.
“Halimbawa, challenges sa work, ganu'n. Kapag may work na siyempre kinakabahan ako, ganu'n, I talk to my sister, and we always like to parang level with each other in a sense na 'O, ganito 'yun, ganiyan, ganiyan,'” sabi ni Andres.
Ugali din umano nina Andres at Atasha nag magbigay ng payo sa isa't isa tuwing kinakailangan. Pagbabahagi pa ng aktor, kahit ang natitipuhan nila maging girlfriend o boyfriend, kailangan aprubado ng isa't isa.
“Yeah, dapat ganu'n talaga. And I also feel like parang as a brother and as a son, you'd want to bring home someone that would be accepted right to your family,” sabi ni Andres.
KILALANIN ANG ILAN PANG CELEBRITY TWINS NA NAPAPANOOD SA TV SA GALLERY NA ITO: