What's on TV

Andres Muhlach, sa pagiging 'no girlfriend since birth': 'That's by choice naman'

By Kristian Eric Javier
Published February 5, 2026 12:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - House dismisses impeachment complaints vs. PBBM (Feb. 9, 2026) - Replay | GMA Integrated News
Rainfall warning up over Visayas, Palawan due to shear line

Article Inside Page


Showbiz News

andres muhlach


Sa kabila ng kaniyang good looks, wala pa ring nagiging girlfriend si Andres Muhlach. Alamin ang kanyang dahilan dito:

Sa kabila ng kaniyang good looks at charm, aminado ang aktor na si Andres Muhlach na hindi pa siya nagkaka-girlfriend.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, February 4, tinanong ni King of Talk Boy Abunda si Andres kung may girlfriend na ba ito.

Sagot ng binatang aktor, “Hindi pa, Tito Boy, hindi pa.”

Paglilinaw pa ni Andres, “That's by choice naman kasi right now, with the way everything has happened, mas lalo with work and everything, parang I've been so busy this last few years.”

Sumubok naman daw si Andres manligaw noon kaya lang hindi siya naging matagumpay dito. Sa ngayon, sabi ng aktor, mas gusto niya munang pagtuunan ng pansin ang kaniyang umuusbong na karera sa showbiz.

Hindi naman siya umano pinabayaan ng ama at OG heartthrob na si Aga Muhlach na nagbigay ng paalala at payo tungkol sa pag-ibig at panliligaw. Isang payo ng kaniyang ama na sinusunod pa rin niya hanggang ngayon, “be yourself.”

“'Yun talaga ang sinasabi niya sa akin. Halimbawa po, when it comes to relationships, you don't want to be pretending to be someone you're not. You'd want to just be yourself, and if she likes you for who you are, 'yun 'yun,” sabi ni Andres.

TINGNAN ANG ILANG MGA LITRATO NI ANDRES NA NAGPAPATUNAY NA ISA SIYANG TUNAY NA HEARTTHROB SA GALLERY NA ITO:

Pagdating naman sa tips, pinayuhan siya ni Aga na maging maalalahanin sa kaniyang nililigawan o partner.

“Parang being able to think of the person that you like without even them having to remind you, parang 'yun 'yun. I think that's the biggest tip,” sabi ni Andres.

Ibinahagi rin ng budding actor na wala pa siyang dinadalang potential girlfriend sa kanilang bahay ngunit kung mangyari man iyon, sinabi niyang ibig sabihin ay seryoso na ang kanilang relasyon.

Nilinaw din niyang hindi naman nangingialam ang mga magulang niya sa kaniyang love life. Ani Andres, nagbibigay lang sila ng sapat na payo pero hindi naman para maging controlling ang mga ito sa kaniya.

Panoorning ang panayam kay Andres sa video sa itaas.