
Nitong July 21, ipinakilala ni Dingdong Dantes si Myles Delfin at ang kanyang advocacy na makatulong sa oras ng sakuna.
Si Myles ay ang founder ng Bike Scouts Philippines na nagnanais tumulong sa mga nangangailangan sa oras ng sakuna. Kuwento ni Myles, nakapagbigay ang kanilang grupo ng tulong noong bagyong Yolanda bilang bike messenger dahil sa pagkawala noon ng komunikasyon.
Ipinaliwanag din ni Myles kung ano ang ibang tulong na ibinibigay ng Bike Scouts Philippines at kung paano sumali sa kanila bilang volunteer. Panoorin ang lahat ng ito sa Amazing Earth.