GMA Logo GTV movies
What's on TV

'Ang Babae sa Septic Tank,' tampok sa GTV ngayong weekend

By Marah Ruiz
Published June 17, 2022 4:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Steel Ball Run: JoJo's Bizarre Adventure' to release first episode in March 2026
My Chemical Romance moves Asia show dates to November 2026fa
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

GTV movies


Kabilang ang 'Ang Babae sa Septic Tank' sa mga pelikulang mapapanood sa GTV ngayong weekend.

Magpraktis na ng three types of acting kasama si actress and comedienne Eugene Domingo sa pamamagitan ng panonood ng Ang Babae sa Septic Tank.

Tampok kasi ang award-winning film at box office hit film na ito ngayong weekend sa GTV!

Kuwento ito ng isang grupo ng indie filmmakers na nangangarap gumawa ng isang pelikula na magdadala sa kanila ng kasikatan at mga parangal.

Gaganap dito si Eugene bilang fictional version ng sarili niya at napupusuang lead actress ng mga grupo.

Co-stars ni Eugene dito sina JM de Guzman, Kean Cipriano, at Cai Cortez.

Umani rin ang pelikula ng mga parangal tulad ng Best Performance of an Actress para kay Eugene Domingo, Best Screenplay para kay Chris Martinez, Best Director para kay Marlon N. Rivera, Audience Choice Awards at Best Picture sa 7th Cinemalaya Independent Film Festival noong 2011.

Itinuring din ang pelikula bilang highest grossing Filipino independent film hanggang nalamapasan ito ng That Thing Called Tadhana noong 2015.

Huwag palampasin ang pelikulang Ang Babae sa Septic Tank, June 18, 7:05 p.m. sa G! Flicks.

Abangan din ang fantasy adventure film na The Hobbit: An Unexpected Journey, starring Martin Freeman sa June 19, 9:45 p.m. sa The Big Picture.

Panoorin ang mga pelikulang 'yan at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.