What's on TV

Ang bagong kampon ni Hagorn | Ep. 133

By Felix Ilaya
Published September 24, 2020 9:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

'Sanggang Dikit FR' debuts on Netflix Philippines on June 30
Capturing clearer shots from a distance
Mga mangunguma, nagapanghanda na sa posible epekto sang very strong el niƱo | One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia


Balikan ang mga nangyari sa rerun ng 'Encantadia' nitong Miyerkules, September 23.

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.

Sa September 23 (Miyerkules) episode nito, nagtagumpay si Hagorn (John Arcilla) mula sa hamon ng Bathalang Arde kaya't pumayag ito sa kahilingan ng Hari ng mga Hathor na ibalik ang kaluluwa ng mga yumao niyang mandirigma na siyang gagamitin niya sa nalalapit na digmaan laban sa mga diwata.

Dahil sa kanilang natatanging bagsik at lakas, babansagan ni Hagorn ang kaniyang bagong kampon na mga "Hadezar."

Mapapag-alaman ito ng mga Sang'gre na sina Amihan (Kylie Padilla), Alena (Gabbi Garcia), at Danaya (Sanya Lopez) kaya't dali-dali silang nagpunta sa Hathoria upang masukat ang lakas ng mga mandirigmang ito.

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.