
One to sawa ang tawanan na mapapanood sa Daddy's Gurl this week lalo na at isa sa pinakamagaling na kontrabida sa showbiz ang makikipagkulitan kina Bossing Vic Sotto at Maine Mendoza.
LOOK: Paolo Contis, makikigulo sa 'Daddy's Gurl'
Huwag palampasin ang guesting ni Kapuso versatile actress Gladys Reyes na gaganap bilang si Malu Manay.
Matulungan kaya ni Malu Manay na gumaling bilang mga empleyado sina Tom at Gerry sa Starbaraks o malilintikan sila sa tapang ni Matilda (Wally Bayola)?
Sundan tuwing Sabado ng gabi ang nakaka-good vibes na kuwento ng Daddy's Gurl pagkatapos ng Pepito Manaloto: Ang Tunay Na Kuwento at bago ang Season 7 ng StarStruck.