What's Hot

'Ang Batang Binihag ng Kulto,' susunod sa 'Magpakailanman'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 17, 2020 12:18 AM PHT

Around GMA

Around GMA

VP Sara Duterte on alleged visit to Teves: I neither confirm nor deny
Power supply disrupted after man walks on power lines in Davao City
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News



Paano kung ang kumuha pala sa iyong mahal sa buhay ay isang Kulto?

Marami parin sa atin ang naniniwala sa  mga albularyo sa kasalukuyan. Merong mga napapagaling at meron din namang hindi nalulunasan ang sakit.

Paano kung ang mga dayong manggagamot ay mag alok na gamutin ang iyong apo?  Papayag ka bang ipagkatiwala ang iyong anak na wala namang sakit sa isang albularyo?

Ngayong Sabado, Sama-sama nating panoorin ang totoong kwento nila Jack Jack.  Isang kakaibang kwento ng pamilyang nalinlang ng isang kulto.

Si Lola Gina ang nag-aalaga sa kanyang mga apo. Ang mga magulang kasi ng mga bata ay laging abala sa bukid. Pinakapaborito ni Lola si Jack-Jack, malabing at mabait kasi ito.

Dahil mahirap ang buhay sa probinsya, hindi lahat ng mga apo ni Lola ay nakakapunta sa eskwelahan.

Kaya si Lola Gina ang nagtuturo sa kanyang mga apo sa pagbasa at pagsulat.

Isang araw, isang trahedya ang nangyari.

Bigla na lamang kinuha ng mga albularyo si Jack-Jack habang naglalaro ito sa may paligid ng simbahan...

Sinapian daw ng masamang espiritu si Jack-Jack kaya kailangan nilang magsagawa ng isang ritwal para maalis ito.

Paano mo sasagipin ang iyong apo gayung hindi naman ito talaga sinasapian ng masamang espiritu? 

Paano kung ang kumuha pala sa iyong mahal sa buhay ay isang Kulto?

Paano mo ito mababawi?

Paano mo sila ipagtatanggol kung nasa impluwensya ng hypnotismo ang iyong mga kabaranggay?

Ngayong Sabado, February 4, tunghayan natin sa Magpakailanman ang "Ang Batang Binihag ng Kulto."

Itinatampok sina Dante Rivero as Arthur, Pen Medina as Apo Jessie, Ces Quesada as Neneng, Dexter Doria as Gina, Miggs Cuaderno as Jack-Jack, Ervic Vijandre as Mark, Mara Alberto as Arlyn, Ralph Noriega as Reynold at Lovely Abella as Daisy.

Sa ilalim ng mahusay na direksyon ni Rechie Del Carmen, mula sa panulat ni Vienuel Laviña Ello at sa pananaliksik ni Karen Lustica.