
Sa unang linggo ng Lolong, makikilala ng batang si Lolong (Zyren dela Cruz, Ruru Madrid) ang dambuhalang buwaya na si Dakila na itinuturing na kaibigan ng kanyang mga magulang na sina Raul (Leandro Baldemor) at Gloria (Priscilla Almeda).
Sa kasamaang palad, hindi tanggap ng mga taga Tumahan ang mga buwaya at iniutos pa ng mayor na si Armando Banson (Christopher de Leon) na ubusin ang mga ito.
Matapos ang misteryosong pagpaslang sa kanyang mga magulang, nangangarap si Lolong na maging isang seaman para makaalis ng Tumahan.
Panoorin ang highlights ng unang linggo ng Lolong.
Ang unang pagkikita nina Lolong at Dakila
Aksidente sa Tumahan, mga buwaya nga ba ang salarin?
Ang malagim na pagpatay kina Raul at Gloria
Mainit na paghaharap nina Lolong at Martin
Mayor Armando Banson, kaibigan o kaaway?
Mapapahamak si Dakila!
Elsie meets Daks
Abet, ang tagapagtanggol ng naaapi
Ang kapangyarihan ni Lolong
Ano ang tunay na pagkatao ni Lolong?
Ang bagong trabaho ni Elsie
Boss Abet, kinalaban si Dona?
Patuloy na panoorin Lolong, Lunes hanggang Huwebes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
Maaari ring mapanood nang buo at libre ang episodes ng Lolong sa GMANetwork.com/FullEpisodes.