
Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.
Sa August 27 episode nito, nagpatuloy ang paglalakbay ni Lira (Mikee Quintos) patungong Devas kahit nasira ang kaniyang sasakyang panghimpapawid.
Habang nagpapahinga, may lalapit sa kaniyang Encantado na nanghihingi ng tulong.
Papakainin niya ito kahit hindi sapat ang dala niyang pagkain para sa kaniyang paglalakbay.
Bilang pasasalamat, niregaluhan ng Encantado si Lira ng laruang sasakyang panghimpapawid.
Lingid sa kaalaman ni Lira, ang Encantadong ito ay walang iba kung hindi ang Bathalumang si Ether, na bumaba mula Devas patungong Encantadia upang subukan kung gaano kabusilak ang kalooban ng diwata.
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.