GMA Logo ang dalawang ikaw and rhodora x
What's on TV

'Ang Dalawang Ikaw,' inspired sa 'Rhodora X' ni Jennylyn Mercado

By Jansen Ramos
Published June 17, 2021 12:09 PM PHT
Updated June 21, 2021 10:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

ang dalawang ikaw and rhodora x


Ayon sa writer at concept creator ng 'Ang Dalawang Ikaw' na si Geng Delgado, perfect timing ang pagpapalabas ng 'Ang Dalawang Ikaw' sa panahon ngayon dahil tatalakayin dito ang mental health problems ng isang tao.

Pitong taon na ang nakalilipas nang ipalabas ang kontrobersyal na serye ni Jennylyn Mercado na Rhodora X.

Dito ay ginampanan niya ang papel ni Rhodora na may sakit na dissociative identity disorder (DID) o split personality disorder sanhi ng physical at emotional abuse noong siya ay bata pa.

Dahil dito, naka-develop si Rhodora ng bagong "persona" sa kanyang sarili na si Roxanne.

Pinag-uusapan ang Rhodora X magpahanggang ngayon kaya naman naging inspirasyon ito sa pagbuo ng upcoming GMA Afternoon series na Ang Dalawang Ikaw sa ilaim ng pagtnubay ng psychiatrist na si Dr. Bernadette Manalo-Arcenas.

Pagbibidahan ito nina Ken Chan at Rita Daniela na gaganap bilang mag-asawa, sina Nelson at Mia. Magkakaroon ng bagong personalidad si Nelson, si Tyler, sanhi ng traumatic experiences.

Ayon sa panayam ng GMA Pinoy TV at GMANetwork.com sa writer and concept creator ng Ang Dalawang Ikaw na si Geng Delgado, "Naisip ko kung na-introduce na pala itong Rhodora X noon, baka naman pwedeng magkaroon ng follow up pero babaguhin lang.

"Bibigyan lang ng mas ibang base at mas tatalakay ka ng ibang direksyon doon sa main premise which is taong may DID."

Ayon pa kay Geng, maganda ang timing ng pagpapalabas ng Ang Dalawang Ikaw ngayon dahil mas aware ang viewers sa usaping mental health.

Sabi niya, "Medyo nagkakaroon na rin kasi ng awareness about mental health but not necessarily DID pero 'yung idea is merong mga sakit na hindi nakikita physically na nagmumula sa isip ng tao.

"So, naisip ko baka pwedeng mare-introduce 'yung ganitong topic na medyo na-introduce na before.

"Kasi 'pag ni-reintroduce mo siya, marami kang pwede pagdaanan or i-discuss about it pero, at least, naiuwang na siya before.

"So, may idea na 'yung mga tao. Naiintindihan nila kaysa 'yung bigla kang mag-i-introduce ng bagong concept about depression na hindi pa masyado naarok ng mga tao although 'yun yung pinaka pervasive."

Noong nasa initial stage pa lang ang creative team ng pagbuo ng konsepto ng Ang Dalawang Ikaw, ibinahagi ni Geng na nais nilang gamitin ang point of view ng babae o karakter ni Rita na si Mia.

"Sa umpisa pa lang, point of view siya ng babae kasi do'n mas kinukuha sa taong pinakabasic which is 'yung asawa, basic na asawa na pero nagkaroon siya ng problema sa asawang niyang lalaki.

"No'ng pinitch siya, do'n muna siya kinuha from that point of view [POV] pero no'ng ginawa na siya baka nakita namin mas interesting na kunin din siya sa POV no'ng may sakit, 'yung lalaki and medyo mahirap 'yung role na 'yon kasi masyado siyang nuance.

"Naisip namin na maganda na may aktor na gaganap no'n na magaling talaga."

Hindi naman daw sila binigo ni Ken sa pagganap bilang Nelson at sa alter personality nitong si Tyler lalo pa at magkaiba ang personalidad ang mga ito.

Si Nelson ay graphic designer na may weak personality, samantalang si Tyler ay isang palabang gun dealer/smuggler.

Pahayag ni Geng, "May bagong naihain kumpara sa usual na nakikta na natin before, so 'di ko ine-epect na kaya pala niya mag-action na gano'n tapos alam mo 'yung weak na tao, no'ng nakita kong nag-Tyler siya, effective naman siya and exciting 'yung pagta-transform."

Kung ikukumpara ang Ang Dalawang Ikaw sa Rhodora X at sa iba pang psychological drama, mas makaka-relate daw ang viewers sa Ang Dalawang Ikaw dahil tatalakayin dito ang masalimuot na journey ng mag-asawa.

Ani Geng, "Isa sa mga glaring na kaibahan niya is dahil nga POV ng lalaki , in-explore namin 'yung idea na dahil meron siyang iba pang personalidad, gumawa talaga siya ng ibang mundo which is 'yun nga nagkaroon siya ng ibang asawa.

"I think sa Rhodora X, 'di nila na-explore 'yon. Ito kasi medyo kontrabida sa sarlii niya 'yung Rhodora X.

"Although 'yung Ang Dalawang Ikaw kasi parang gano'n din pero, at the end of the day, meron talaga siyang parang pinatutunguhan at doon 'yung pinagmulan ng maraming conflict sa buhay nilang mag-asawa na hindi naman talaga siya nangingilaam do'n sa buhay ng original persona.

"Pero dahil connected talaga, nagkatiyap-tiyap, so para siyang mix ng Rhodora X and Ang Dalawang Mrs. Real pero super tweaked siya."

Dagdag pa niya, perfect timing ang pagpapalabas ng Ang Dalawang Ikaw sa panahon ngayon.

Bahagi pa ng GMA Entertainment Group creative, "Actually, timing din na itong 2020 siya ginawa at ie-air kasi nagkaroon ng pandemic, 'di ba? 'Tapos, pinag-uusapan nga namin na ma-bring to life itong mental health problems na nag-boom lalo na noong pandemic na ang daming naging problema

"So baka mas maka-relate sila dito kasi pinapakita dito 'yung support system ng characters na may ganitong klase ng pinagdadaanan kasi mas relatable siya on a level na kasi affected

'Yung mga normal na relationships ng tao which is 'yung pag-aasawa, pagiging friemnds kasi may eksena na ano 'yung reakyon ng kaibigan mo knowing na may ganito kang sakit.

"So iba-iba 'yung reaksyon no'n, ano naman ang reaksyon mo na mayroon kang sakit na hindi nila naiintidhan.

"At least, malalaman mo na mayroon siyang ganito, mali pala 'yung inasal ko. Dapat pala ganito 'yung ginawa ko."

Ipinapakilala sa Ang Dalawang Ikaw si Anna Vicente, na gaganap bilang Beatice. Si Beatrice ang kahati ni Mia sa puso ni Nelson dahil sa split personality nitong si Tyler.

Mapapanood din sa bagong serye sina Jake Vargas, Dominic Rocco, Joana Marie Tan, Lianne Valentin, Anthony Rosaldo, at Jeremy Sabido.

Narito ang ilang patikim na eksena sa Ang Dalawang Ikaw na mapapabood na simula June 21, pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA:

You may also check out the 'Ang Dalawang Ikaw' series primer below: