What's Hot

'Ang dami ng pangarap na tinupad sa 'kin ng GMA' - Kris Bernal

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 8, 2020 3:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Metro Manila, Luzon to have cloudy skies, light rains on Christmas Eve
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Ayon kay Kris, mula raw 'StarStruck' Season 4 ay hindi na raw siya pinabayaan ng Kapuso network.
By AL KENDRICK NOGUERA
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
"Minsan, tinatanong ko 'yung sarili ko, Lord, deserve ko ba lahat 'to," 'yan ang bungad ni Kris Bernal nang ibahagi niya ang nararamdaman sa 'Little Nanay,' ang big project na ibinigay sa kanya ng GMA.
 
LOOK: #HappyLang: Tinay at Chiechie ng 'Little Nanay'
 
Ayon kay Kris, mula raw 'StarStruck' Season 4 ay hindi na raw siya pinabayaan ng Kapuso network. "Grabe wala akong masabi sa pag-aalaga nila sa 'kin. Grabe ang tiwala sa 'kin ng GMA para ibigay sa 'kin 'to," saad ng gaganap sa role ni Tinay sa upcoming GMA Telebabad show.
 
READ: Kris Bernal at 'Little Nanay' co-stars, nagsimula nang mag-taping
 
Bahagi pa ni Kris, tinupad ng GMA ang pangarap niyang makapag-portray ng isang mentally challenged na character. Aniya, "Unti-unti talaga, ang dami ng pangarap na tinupad sa 'kin ng GMA. Isa kasi 'to sa dream roles ko eh. Tinupad na naman nila. So wala na akong mahihiling pa."
 
Bukod pa sa napakagandang role, doble raw ang pasasalamat ni Kris sa GMA dahil sinamahan siya ng bigating stars tulad na lamang nina Bembol Roco, Eddie Garcia at Nora Aunor.
 
"Bakit 'yung mga pangarap ko na makatrabaho [ay] nakakasama ko ngayon? Tsaka bakit ako 'yung pinili? 'Yang 'yung hanggang ngayon [ay] questions ko. Pero lahat talaga ay ino-honor ko kay God. And of course, lahat talaga [ay] ginawang posible ng GMA. So ang taba-taba talaga ng puso ko," pagtatapos niya.
 
WATCH: Cast of 'Little Nanay' plays a prank on Mark Herras