
Mga Batang Bubble, mag-ready na sumigaw ng 'ALIEN' dahil magre-reunion sina Direk Caesar Cosme, Isko Salvador (Brod Pete), at Direk Chito Francisco sa Your Honor ngayong Sabado, October 18.
Pina-subpoena ng House of Honorables ang mga Ang Dating Doon stars na bahagi rin ng promo para sa two-part special ng Bubble Gang para sa kanilang 30th anniversary.
Sa teaser ng kanilang guesting sa Your Honor, ipinaliwanag nina Direk Caesar at Direk Chito kung bakit sa tingin nila mahirap magpatawa ngayon.
Hirit ni Direk Cosme, “Maraming bawal. Ako hinihintay ko na lang talaga magtayo ng mga association 'yung mga panget. Tapos magreklamo.”
Para naman kay Chito, “Challenge talaga 'yung pagsusulat. Ang hirap dahil kailangan mo wala kang mao-offend.”
Tutukan ang funny reunion ng Ang Dating Doon stars sa Your Honor ngayong October 18 sa YouLOL YouTube channel, pagkatapos ng Pepito Manaloto.
RELATED CONTENT: 'Prime stars featured on 'Bubble Gang''s 30th anniversary special