What's Hot

Ang ending ng 'Darna'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 3, 2020 6:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBI searches Cabral's Baguio hotel room
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News



Sa nalalapit na pagtatapos ng "Darna," Marian Rivera gives us a teaser of what will happen sa ending ng story ng ating paboritong Pinay super hero.
Sa nalalapit na pagtatapos ng "Darna," Marian Rivera gives us a teaser of what will happen this week. Aside from the inevitable confrontation with her enemies, ano pa ba ang dapat nating abangan sa finale ng hit prime time show? Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio starsTuwang-tuwang nagkuwento si Marian Rivera sa press nang binisita naming ito sa last taping day ng Darna. Malaki ang pasasalamat ng Primetime Queen ng GMA sa suporta na ibinigay sa kanya ng mga press. Kaya naman binigyan niya kami ng konting teaser sa magaganap sa huling linggo ng Darna. "Naku! Abangan nila! Abangan nila kasi magsasama-sama ang kalaban ko't magiging isang tao lang siya. Abangan nila kung sino 'yung isang tao na 'yun," ang excited na kuwento ng ating paboritong Pinay superhero. Dagdag pa niya, "Palagi kong sinasabi na madaming twist. Marami talagang mangyayari, basta okay 'yung ending niya." Ano naman ang masasabi niya na consistent top-rater ang Darna mula simula hanggang katapusan? "Siyempre masaya ako pero sabihin na lang natin na 'yung ratings eh bonus na lang 'yan para sa amin. Ang importante nagagawa naming ang trabaho namin ng maganda. Okay kami sa set. Lahat kami dito masaya, relax lang talaga. At saka alam namin ibinibigay namin lahat 'yung best namin dito sa Darna kung ano man ang managyari, kung ano man ang ratings, masaya kami." Indeed napakagaan nga ng atmosphere sa set ng Darna and we were treated as very important guests ng dumalaw kami doon. Even director Dominic Zapata, went out of his way to welcome us. So aside from the cast and crew ng show, ano kaya ang mami-miss ni Marian, once natapos na ang Darna? stars"Sabi nila sa akin 'Ano daw ang hindi ko makakalimutan dito sa Darna?’ Sabi ko, 'yung transformation ko--'yung unang-unang transformation at unang-una kong pagsuot ng costume," ang kwento ni Marian. "'Yun ang pinaka nagustuhan ko kasi talagang dun 'yung sabi nila sa akin, 'Naku magkakaalaman na sa ratings kasi transformation na.' Parang dun ako kinabahan, 'Ay ganun ba 'yun, dun ba 'yun sa transformation nakukuha?' Ayun sobrang happy ako tapos ang dami kong nakuhang good comments dun sa transformation na 'yun. Talagang natuwa ako," ang mahabang paliwanag ng aktres. She even joked na sa sobrang ganda ng transformation niya, hindi na ito naulit sa story. Kaya naman huwag palampasin ang mga huling episodes ng Darna, who knows, baka ipakita ulit kung paano mag-transform si Narda to Darna. Panoorin ito weeknights, pagkatapos ng 24 Oras. Pag-usapan ang nalalapit na pagtatapos ng Darna sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here! Be updated sa mga susunod na plans at projects ni Marian Rivera. Just text MARIAN ON [Your Message] and send to 4627 for all networks. For GOMMS Wallpaper, text GOMMS MARIAN ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.