
Malaki ang problema ni Daboy (Kevin Santos) dahil sa pagiging overweight niya.
Makatulong naman kaya ang kanyang baby brother na si Ipe (Anjo Damiles) na ma-achieve ang goal niya na pumayat o maisipan kaya nila na i-shortcut ang pagbabawas ng timbang?
'Tila nagtatampo naman si Barak (Vic Sotto) sa anak na si Stacy (Maine Mendoza) na mas excited pumunta sa isang New Year's party sa Bonifacio Global City, kaysa makasama siya.
Magkaayos pa kaya ang dalawa bago matapos ang taon?
Abangan ang mga exciting na magaganap na ito sa Daddy's Gurl sa December 28. Makikisaya din ang sikat na Kris Aquino impersonator na si Krissy Achino!
Huwag pahuhuli sa mga LOL moments sa Daddy's Gurl every Saturday night after Pepito Manaloto!