What's Hot

Ang hinanakit ni Michelle kay Aubrey

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated June 5, 2020 3:54 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Kapuso, Sparkle stars set to bring romance, laughs, chills at MMFF starting Dec. 25
Bacolod hospital detects infection, reduces bed capacity
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News



Michelle reveals kung ano nga ba ang tunay na pinag-ugatan ng kanyang alitan with Aubrey Miles sa ‘Survivor Philippines Celebrity Showdown’.
Michelle reveals kung ano nga ba ang tunay na pinag-ugatan ng kanyang alitan with Aubrey Miles sa ‘Survivor Philippines Celebrity Showdown’. Text by Karen de Castro. With interview from Showbiz Central. Photo courtesy of GMA Network. stars Mainit na usap-usapan ngayon ang tungkol sa alitan ng Survivor Philippines Celebrity Showdown juror na si Michelle Madrigal at ng kapwa niya celebrity castaway na si Aubrey Miles. Mula pa lamang noong umpisa ay inasahan na ng mga viewers na magkakaroon sila ng iringan dahil ex ng boyfriend ni Michelle ngayon (fellow celebrity castaway Jon Hall) si Aubrey. Noong simula ng Survivor Philippines Celebrity Showdown ay sinabi ni Michelle sa press con ng Survivor na wala naman silang alitan ni Aubrey. “With Aubrey, ang iisipin ng lahat, may conflict kami. Pero wala. Kasi nung nasa plane, kaming dalawa yung magkatabi, kami yung nagkukuwentuhan,” she said then. “Pero pagdating sa game, ibang usapan nay un. Siyempre, lahat naman, pagka ganito, friends kami lahat. Pero kapag nasa isla ka, iba ang nasa isip mo. Lahat, kaaway mo sila. Kahit si Jon, kaaway ko siya sa isla.” Dagdag pa niya noon, hindi na big deal ang pagsasama-sama nilang tatlo sa isla. “2003 pa sila, siya may dalawang anak na, may Troy [Montero] na. Nakakahiya naman sa pamilya niya, ‘di ba, kung gagawan pa natin ng issue. So we are friends. Pero pagdating sa island, we’re all not friends. Kaya kami nandoon para manalo ng P3 Million.” But noong isang linggo ay inilahad ni Michelle sa Showbiz Central ang kanyang naging sama ng loob kay Aubrey dahil sa kanyang mga napanood sa Survivor Philippines Celebrity Showdown. “For me kasi, okay lang kung gano’n talaga yung strategy niya na mag-manipulate ng iba,” she said. “But hindi ko lang gusto yung mga nasasabi niya na medyo personal, like first week pa lang ng show, sinisiraan na niya si Jon, and then may mga times, yung may mga comments siya na wala naman talagag kakuwenta-kuwenta at hindi naman siya tungkol sa game, so parang feeling ko masyado niya kaming pinersonal ni Jon.” Ngayong nappaanood na niya ang game, nagbago na ba ang kanyang mga naunang statements na walang conflict na namamagitan sa kanila? “Kung sa game lang yun, na ngayon e napapanood ko na nga, kung sa game lang, wala akong problema kung ang strategy niya, tanggalin kami dahil alliance kami ni Jon,” says Michelle. “Pero nainis ako dahil dun sa mga sinabi niya na mga personal stuff, tapos ang sa’kin lang, she said sorry, but for me, nag-sorry siya sa Twitter. If seryoso ka, bakit hindi mo ako tawagan?” Samantala, nitong nakaraang linggo ay nag-apologize na si Aubrey sa Showbiz Central. Inamin niyang na-exaggerate nga niya ang kanyang mga nasabi tungkol kay Jon noong nakaraang linggo sa Survivor Philippines. Ngunit nilinaw niya na hindi puro paninira ang kanyang sinabi tungkol kina Jon at Michelle. Tanggapin kaya ni Michelle ang paghingi ng tawad na ito ni Aubrey? Paano kaya ito makakaapekto sa magiging desisyon ng jury sa pagpili ng kauna-unahang celebrity sole Survivor? Huwag palalampasin ang mas lalong umiinit na mga tagpo sa Survivor Philippines Celebrity Showdown, weekdays pagkatapos ng 24 Oras on GMA. Pag-usapan si Michelle sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get in touch with Michelle. Just text MICHELLE (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpapers, text GOMMS (space) MICHELLE (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.