
Sa huling linggo ng Ang Lihim ni Annasandra, masusubaybayan ang iba't ibang matitinding eksena na hindi n'yo dapat palampasin.
Noong nakaraang linggo, matatandaan na nalaman ni Lorraine (Cris Villonco) ang sikreto ni Annasandra (Andrea Torres) bilang isang awok dahil sa tulong ni Enrico (Pancho Magno).
Hindi naman natuloy ang pagkikita nina Annasandra at William (Mikael Daez) dahil muling nawala ang una. Si Annasandra ay pinadakip ni Lorraine at gagamitin niya ang lihim ng una upang sirain ang buhay nito.
Mayroon ding masamang plano si Lorraine para kay Annasandra at binigyan pa niya ito ng pulang dress para sa gaganapin na sorpresa.
Ano nga ba ang binabalak ni Lorraine para kay Annasandra? Mabubunyag na ba ang kaniyang sikreto?
Abangan ang huling linggo ng Ang Lihim ni Annasandra simula Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, muling kilalanin ang stellar cast ng Ang Lihim ni Annasandra sa gallery na ito.