What's Hot

Ang huling linggo ng 'Queen of Masks'

By Jansen Ramos
Published January 22, 2024 6:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Natural gas discovered at Malampaya East 1 —Marcos
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

queen of masks


Subaybayan ang huling apat na gabi ng 'Queen of Masks' sa oras na 10:20 p.m. sa GMA Prime.

Apat na gabi na lang, mareresolba na ang misteryo sa pinag-uusapang K-drama thriller sa GMA Prime na Queen of Masks.

Sa mga nalalabang episode ng mystery series, si Alonzo na ang gagawa ng paraan para mailabas ang katotohanan.

Ilang beses nang nalagay sa peligro ang apat na magkakaibigan na sina Jaclyn, Amara, Devon, at Demi kaya isusugal na ni Alonzo ang sarili niyang buhay para sa kapayapaan ng mga taong sangkot sa pagpatay kay Dion at ngayon kay Victor.

Naniniwala si Alonzo na kinalaman dito si Chairman Kang, ang ama ni Jaclyn, kaya personal niya itong haharapin.

Makamit na kaya nila ang hustisya?

Subaybayan sa nalalapit na pagtatapos ng Queen of Masks ngayong Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. sa GMA Prime.