
Mapapanood na mamaya ang kaabang-abang na tapatan ng mga mahuhusay sa kantahan. Abangan ang huling tapatan ng ikapitong taon ng “Tawag Ng Tanghalan” sa It's Showtime sa GTV.
Maghaharap dito ang limang grand finalists na sina Aboodi Yandog, Rea Gen Villareal, Joy Escalante, Eunice Encarnada, at Jhon Padua.
Abangan din ang mga “Tawag ng Tanghalan” hurado na haligi ng musikang Pilipino. Kabilang dito sina Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Louie Ocampo, Marco Sison, Nonoy Zuniga, Erik Santos, Mark Bautista, at marami pang iba.
Sino kaya sa limang mahuhusay na grand finalists ang tatanghalin na kampeon?
Huwag palampasin ang huling tapatan sa “Tawag Ng Tanghalan” sa It's Showtime mamayang 12 noon sa GTV. Mapapanood din ang naturang noontime show tuwing Lunes hanggang Biyernes sa oras na 11:30 a.m