What's on TV

Ang iba pang mga piraso ng palaisipan sa 'Innocent Defendant'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated June 8, 2017 6:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH aims to boost cruise tourism growth
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan ang Innocent Defendant, simula June 12, Lunes hanggang Huwebes, pagkatapos ng Meant To Be.

Magigising at matatagpuan ng prosecutor na si Julius Park (Ji Sung) ang sarili sa kulungan nang walang alaala kung paano siya nakarating dito. 

Inaakusahan siya sa pagpatay sa sarili niyang asawa at anak! May kinalaman kaya dito ang pagi-imbestiga niya sa heredero ng makapangyarihang Chamyoung Group na si Ronnie Cha (Uhm Ki Joon)? 

May iba pang taong mahahagip sa tagisan nina Julius at Ronnie. 

Si Courtney Seo (Kwon Yu Ri) ang baguhang abogadong hahawak ng kaso ni Julius. Sa magkabilang panig ng korte lang sila nagkakasalamuha ni Julius noon. Matulungan kaya niya ang prosecutor na madalas siya maliitin noon? 

Si Sandy Na (Uhm Hyun Kyung) naman ang asawa ni Reggie Cha, ang kakambal ni Ronnie. Dati siyang nobya ni Ronnie, pero pinili niyang pakasalan si Reggie para na rin makabawi ang paluging negosyo ng kanyang pamilya. Pareho man ng mukha ang dalawa, kilala niya kung sino ang alin. 

Matalik na kaibigan naman ni Julius si Norman Kang (Oh Chang Suk). Dati itong may pagtingin sa asawa ni Julius na si Lisa at very close sa anak nilang si Hannah. Pero bakit siya pa ang humawak ng kasong nagdiin sa matalik niyang kaibigan para makulong? 

Abangan ang kanilang mga kuwento sa Innocent Defendant, simula June 12, Lunes hanggang Huwebes, pagkatapos ng Meant To Be.