What's Hot

Ang ideal date ni JC

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 31, 2020 10:06 AM PHT

Around GMA

Around GMA

State of the Nation Livestream: May 12, 2026
BFAR-11 steps up to help Davao City fisherfolk amid El NiƱo threat
Here are the winners of The Miss Philippines 2026

Article Inside Page


Showbiz News



Ano kaya ang gusto ni JC Tiuseco sa isang date? May mga certain traits ba siyang hinahanap, o kaya specific physical qualities? Alamin!
It's almost February at palapit na nang palapit ang deadline ng Valentine’s date promo ng iGMA for JC Tiuseco! Gusto niyo bang malaman kung anong qualities ang hinahanap ni JC sa isang girl at kung gaano siya ka-romantic? Read on and find out. Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Jason John S. Lim. Nag-submit na ba kayo ng entries ninyo sa Just You and Me, JC Valentine’s date promo? Kung hindi pa, then this is your chance para malaman kung sino at ano nga ba ang ideal date ng ating Pinoy Sole Survivor. Let’s start kung ano nga ba para kay JC Tiuseco ang isang ideal Valentine’s date.stars
“Siguro pupunta kami ng Tagaytay, tapos magla-lunch doon or dinner. Tapos papasyal kami doon. Puwede rin kaming magpa-spa doon, 'di ba may masarap na spa doon? Tapos magpapaikot-ikot lang kami at magsa-sightseeing,” ayon sa cutie hunk. We also asked him kung anong traits nga ba ng isang girl ang hinahanap niya sa isang ka-date. “Ang gusto ko 'yung may sense of humor, makulit, tapos masayahin. Siyempre 'yung hindi mahirap kausap kasi mahiyain ako, tapos hindi din ako matanong or makuwento. Paano pa 'pag ganun 'yung kasama ko? Eh 'di pareho na kaming hindi nagsasalita (chuckles). Pero actually, ngayon medyo makulit na ako,” sabi ni JC sa iGMA, habang obvious na nako-conscious sa sinabi niya. Aside from this, pinilit din namin si JC na i-share kung anu-ano ang mga physical qualities ang gusto niya sa isang girl. “Hmmm, physical qualities? Mahilig ako sa mga mapuputi. Tapos chinita and long 'yung hair. Tapos siyempre, pretty at maganda ang eyes para 'pag nag-smile kita sa mata,” pag-amin ni JC sa amin. Kung sa tingin ninyo kayo na ang dini-describe ni JC Tiuseco as his ideal Valentine’s date, then what are you waiting for? Mag-submit na ng inyong entries! For more details on how to join this iGMA promo, log on to www.igma.tv/promos/jct. Talk about this topic sa iGMA forums.