Article Inside Page
Showbiz News
Ang ugly duckling ay magiging isang magandang swan... sa tulong ng isang damakmak na plastic surgery!
By MARAH RUIZ
Ang ugly duckling ay magiging isang magandang swan... sa tulong ng isang damakmak na plastic surgery!
Ito ang kuwento ni Guada, isang 'di kagandahang housewife. Ipagpapalit siya ng kanyang asawang si Franco sa isang maganda at sexy na TV reporter—si Kassie.
Higit pa dito, mas masasaktan si Guada nang mas tanggapin pa ng pamilya ng kanyang asawa ang kabit nito. ?Tila hindi na natapos ang mga pasakit ni Guada hanggang sa siya ay maaksidente at mistulang papanaw.
Ang totoo, buhay si Guada! Lalapit siya kay Terence, isang lalaking napagkamalan niyang celebrity plastic surgeon. Hindi man talaga plastic surgeon si Terence, ngunit papayag itong tulungan si Guada. Siya ang magbabayad para sa lahat ng pagpaparetoke at pagpapapayat ni Guada.
Matapos ang lahat ng ito, si Guada ay magiging ang napakagandang si Sara. Pagpaplanuhan na niya ngayon ang kanyang paghihiganti.
Ang Korean beauty at commercial favorite na si Han Ye Seul ang gaganap bilang Sara. Ito ang kanyang comeback project matapos ang tatlong taong pamamahinga mula sa showbiz.
Wagi naman ang
Birth of a Beauty sa mga yearend awards sa Korea noong nakaraang taon. Umani ito ng Excellence Award for an Actress in a Drama Special sa 2014 SBS Drama Awards at Best Global Actress sa 15th Hwajeong Awards para kay Han Ye Seul. Nasama din sa Top 10 Stars at Best Couple Award sina Joo Sang Wook at Han Ye Seul.
Mapatunayan kaya ni Sara na mas matimbang ang panloob na kagandahan kaysa panlabas na anyo? Abangan sa
Birth of a Beauty, simula June 15, bago ang
My Mother's Secret sa nag-iisang Heart of Asia, GMA.