
Para kina Alexine Sy at Therese Garcia, tuloy-tuloy lang silang magkakampanya upang kanilang matulungan ang karagatan.
Sa Amazing Earth ay ibinahagi nina Alexine at Therese kay Dingdong Dantes ang kanilang advocacy sa Mermaid Missions. Sila ay ang grupong gumagawa ng clean up drive sa iba't ibang lugar para mapanatiling malinis ang dagat.
Alamin ang kanilang inspirational story sa episode nitong May 5.